Wednesday, December 22, 2010

Family Reunion**

Pasko nanaman. Syempre hindi mawawala ang pagkikita-kita ng mga kamag-anak. At sa Pagkakataong ito eh sa bahay namin gagawin ang party. Potluck, pero nagluto din ang nanay ko ng kanyang walang kamatayang specialty na lasagna, lumpia, at adobo. What a combination! Katatapos ko lang mag-label ng mga regalo para sa mga pinsan at pamangkin. Tapos na din ang nanay ko maghanda ng mga plato at kubyertos sa mesa. Hinihintay na lang silang dumagsa-este dumating.

Nakakatuwa yung mga ganitong pagkakataon tuwing Pasko o kahit anong holiday.Minsan lang kasi mag sama-sama yung mga mag-anak. Maraming pagkain, kwentuhan, at syempre, hindi mawawala ang pa-aginaldo or regalo. Minsan nga lang napapakamot ako ng ulo sa mga bagay na ewan ko ba... basta ikaw nalang humusga.

Wala naman akong problema sa pagkain. Basta pag mag ganitong salu-salo eh automatic na potluck yan, kahit dala mo lang eh kanin, okay na. *Nagugutom na ko, pumuslit ako ng lumpiang shanghai dun sa plato habang nakatalikod nanay ko.* Pagdating naman sa kuwentuhan, masyang kasama madalas eh yung mga ka- age mo. Okay din naman sa matatanda. Yung iba nga lang hindi. Nakakainis lang kasi yung mga tito/tita na walang ibang matanong sayo kundi "May bf ka na?" or para sa medyo malapit na mag 30 eh "kelan ka mag-aasawa?" Hindi lang yun, may mga unsolicited advice pa tulad ng "Kung mag-asawa ka yung mayaman na, tapos yung medyo matanda na din para sayo na lahat blah blah..." Tawa nalang minsan ang isinasagot ko o sasakyan nalang para matapos agad ang usapan. Mabuti kung ganoon lang. Madalas sensitibo ang mga tanong,at masyadong maraming silang opinyong ibinibigay.

Oo, alam ko namang hangad nila ang kabutihan ng kanilang kamag-anak pero, minsan talaga may mga bagay hindi na dapat sinasabi o tinatanong. Dahil nagitpon tipon tayo para magdiwang ng Pasko, hindi para magkaroon ng advice forum. Ganun pa man, masaya pa rin sila kakuwentuhan, lalo na pag maririnig mo yung mga kabataan nila.

Isa sa mga dahilan kaya masaya ang Pasko eh dahil sa mga natatanggap(Aminin mo, excited ka makatanggap ng kahit ano diba?). Kaya lang, nakakalungkot minsan yung ibang pag-uugali lalo na pagdating sa bigayan. Tulad nalang nung umuwi ang tita ko nitong nakaraang Pasko. Hindi siya maramot, pero minsan marami siyang sinasabi pag nagbibigay. Lalo na pag pera. Siguro ayaw din niya mapahiya sa kamag-anak(kasi galing US), kaya ganun. Naiintindihan ko naman ang lagay niya. Kaya lang, dapat nasa tama ang pagiging mapagbigay. Kung ano ang kaya, iyon lang, tutal ang importante eh ang magkakasama sa Pasko. Tingin ko naman maiintindihan ng marami, kung hindi man lahat, na mga nandito sa Pilipinas na hindi porke galing ibang bansa ay mayaman na.

Maraming nagsasabi na mas masaya mag-celebrate ng Pasko dito sa Pilipinas kaysa ibang bansa. Isa sa mga dahilan na rin eh nandito ang ating pamilya. Nakagisnan natin ang makulay na kultura at tradisyon ng Pasko kasama sila. Pero 'wag nating kalilimutan ang kagandahang asal lalo na pagdating sa mga ganitong okasyon. Kahit gaano pa kayo ka-close na mag-anak, ilagay sa lugar ang kilos at sasabihin. At higit sa lahat, matutong magpasalamat, maliit man o malaki ang natatanggap.

May naririnig akong ugong ng kotse. Mukhang andito na sila. Sino kayang una naming bisita? :)

Saturday, December 18, 2010

The Complex Norms of Filipino in Information Superhighway**

December 12, 2010. Fourteen days to go before Christmas. Twenty one days before the start of another year –or another decade. The period of 2000 has been hyped as the new age, with the entire Y2K bug scare. Now it’s all ten years away. Gone are the days of Dial-up, where you connect through the web by encoding a number and password then while connecting a high pitched sound -as if something’s been drilled- is heard. Then came broadband and wireless area network or commonly known as Wi-Fi, and now access to the web is just a plug away. Every innovation in the World Wide Web has sure been patronized by us Filipinos. We sure do have a funny way of utilizing it.
I’ve been surfing the cyberspace since I was eleven. I have to admit, I’ve been hooked to almost every social networking sites that had through the years. What I had loved most was the online journal. It’s the best alternative to the old fashioned journal/diary specially when people around your have no concept of privacy. I’ve switched blogs from Livejournal to Blogger and then to Multiply. They have been my trusted “friends” whenever I rant and pour out my deepest, darkest secrets. Also, some Filipinos have an uncanny theme of pictures uploaded and posted. They usually post photos of their latest hangout at an extremely exclusive place, or a scrumptious food purchased from a pricey restaurant or coffee shop.
When Friendster began in around early 2000, everyone got frenzied and the in thing was to have as many friends as they can. If someone has at least one thousand friends, then he’s one of the coolest person on earth. Another is you get to have this so-called testimonials, where friends post on your page on how they knew you well. Then Mark Zuckerberg came, and Facebook is the new queen bee of social networking. With its cool applications, everyone seemed to have migrated. Now everything is interactive from the now common facebook to one-liner post care of twitter, where celebrities are given extra space to whine about their life, from a co-star feud, to trivial things happening around the show business. Consequently, it helps them stay on the spotlight. Speaking of which, a handful of talented Pinoys had risen to international fame with the help of the ever dependable video uploading site. Because everything can be accessed worldwide, it is no a surprise that a foreigner would spot such amazing ability to sing, dance, and other queer ones.

Philippines may have been living as a third world country, but it did not stop us from thriving in the world where everyone is interactive. Internet is indeed a powerful tool that we are lucky enough to have. Through this, people from other countries gets a grasp of who we are, whether from a good or bad news. Nevertheless, it helps us prove we are not Asians just because our location in the map says so. Our culture-despite having colonial influences- stands out making us uniquely Pinoy.

Saturday, December 11, 2010

12.11.10

12.11.10


07:34pm. Stuck at home multi-tasking between watching TV, browsing the Internet and chatting with college friend. I just finished reading Bob Ong’s “Ang mga kaibigan ni Mama Susan” leaving me confused, and a little freaked out. Now, I slumped on the couch, feeling a little disappointed over canceled last-minute plans. I had been craving for some alcohol and a little social life since the time I’ve been feeling stressed out. It’s only fourteen days before Christmas Day, but I’m not as excited as I used to be. I miss the thrill of going around looking for cheap giveaways and giving out Noche Buena suggestions.

Monday, October 25, 2010

Eyebags**

Sa kalaliman ng gabi, ang mata ko'y mulat na mulat
Nakatingin sa itaas, puno ng pangamba ang isip
Nais kong sumayad ang inuming pampakalma
Sa aking tuyong lalamunan,
Subalit hindi maaring makapuslit

Dahan dahang ipinikit ang mata
Sabay sa paghiling sa itaas
Na hindi lang lahat ay panaginip,
Na mangyari ang pinapangarap.

Ang kadilimang nababalot sa kalooban
Sana'y mapalitan ng liwanag,
Ng tuwa at kapayapaan
Nang hindi masawi ang kaluluwang naghihinagpis.

Sunday, October 24, 2010

Wit-wiw!

Isa ko sa mga taong naiinis kapag may naririnig akong mga sumisipol o kaya eh babanat ng ‘Hi miss!’ mula sa mga lalaking nakatambay, nasa harapan ng sasakyan o kahit nakasalubong lang. Buti sana kung simpleng bati lang, pero kahit saang angulo tignan, alam nating nakakabastos talaga. Parang may sinumpaang tungkulin na kailangan nilang gawin sa lahat ng oras. Oo na, dahil sa testosterone kaya sila ganoon, pero hindi pa rin tama eh. Kahit yung mga balot na balot eh nakakaranas pa din ng ganoon galing sa mga walang magawa. Ang mas nakagigimbal lang eh pag may na-encounter kang pangyayari na talaga namang WTF. Tulad nalang ng ganito.

Sumakay ako ng jeep pauwi ng bahay. At habang kumakain ng twister fries ay tumawag ng pansin sakin ang mga katapat kong pasahero. Mga kababaihang high school students. Kaparehas nila ang tela ng uniporme ng pinasukan kong paaralan. Maingay silang nagkukwentuhan at nagaasaran. Isa sa kanila ang humarap sa bintana ng jeep at humiyaw sa katabing sasakyan.

“Kuya! Anong pangalan mo?”

Sabay naghalakhakan ang mga kasama. Nang makalampas na ang jeep na iyon, sunod naman sinigawan nung babae yung lalaking sakay ng container van na katabi ng driver. Hindi pa nakuntento, pabirong nilabas ang cellphone at humirit:
“Kuya, anong number mo? Text text tayo!”

At pagkatapos inulit ng katabi niya ang sinabi ng tumapat mulit ang truck sa sasakyan namin. Nakakaloka talaga! Hindi ko alam kung napansin nila, pero nakatingin nalang ako habang inuubos ang pagkain ko. Tawanan silang lahat na magkakasama. Maya maya sumabat na ang isang ale. Mukhang anak ang katabi nito, at ganoon din ang uniporme.

“Alam nyo, hindi kayo igagalang ng mga lalaki. Hindi kayo igagalang sa ginagawa nyong yan. Uso pa naman rape ngayon. Pag natiyempuhan kayo… tapos naka uniform pa kayo, alam na alam na taga-burol kayo.”

Pagkatapos ay humarap ang ale sa katabing matanda at pinag usapan ang nangyari.. Sandaling silang magkakasama at pagkatapos eh tumahimik din. Yung babaeng pasimuno eh biglang naglabas ng headset. Kanya kanyang usapan, at halatang may pupuntahan pa sila. Ramdam ko kung gaano sila napahiya nung pinagsabihan sila nung ale.

Alam naman ng iba kung anong gagawin. Pero sa mga katulad nila, konting pangangaral lang siguro, tutal naman eh isip bata pa sila.

Monday, August 16, 2010

Palikuran**

Thunder boomed as the rain falls heavily. Carla had just got into the apartment. Unfortunately,she got soaked under the downpour of Friday's gloomy weather. To add, her handy cheap black umbrella did not survive the strong blow.


Thank God it's Friday???


Carla closed the door behind her as she lifts her red tunic blouse to take it off. She unbuttoned her dark skinny jeans, removed the drenched maroon suede flats and went straight to the bathroom.

Carla's teeth was chattering as she stands underneath the shower. She was about to finish rinsing off the orange-scented soap from her body, when a deafening thunder roared as the lights went out.

Damn it! How am I supposed to get out of here?!

Just as she was about close the shower, she heard an indistinct noise from outside the bathroom. Carla stood in silence, trying to figure if she really heard it right.

The knob was twisting with such force, someone can kick the door open. Shaking with extreme cold and agitation, Carla blindly reached for the door and held the lock with force. She lost her grip as the door had unlocked. Carla pushed back to close it, but she slipped on the tile floor, yelping out an ear-splitting scream.

Then a bright beam of light shone on her face.


"Vince? Fuck you! Why didn't you knock on the door? You could have at least called out my name!" Carla blurted out, aghast.

"It's raining too hard for me to hear the water running on the bathroom. Besides. I was in a hurry to use the toilet so I can take a pee," Vince

Carla rubbed her hips and cursed at the strong impact of her fall.

Vince held out his hand to help her stand up, then kissed her.

"Sorry," he said softly, accompanying Carla out of the bathroom. Then he rushed towards the toilet, unzipping his pants.

Carla glared at Vince for a moment. "Seriously, I thought some fucking intruder came in, and was about to kill me," as she went to the bedroom with an annoyed expression.

He sighed and apologized again. "I'm really sorry." When Vince was done washing his hands, he followed Carla into their room. The rain continued to flow for the rest of the evening.

Sunday, June 27, 2010

My two cents for soon-to-be RNs

It’s less than a week before taking up, probably one of the most intimidating test you will encounter, the Nurse Licensure Exam. I presume you are quite anxious at this point, wishing you could absorb everything in the review material by sleeping on top of it. But at least if you’re part of July 2010 examinees, you’ve had longer time for board exam review since exam will take place on July 3 and 4. I do hope you’ve done your part for the past 2-3 months whether you’re doing self-study or enrolled in review center.
Ah, those were the days. Even if good review centers have well-lit, air-conditioned rooms, summarized review materials, and motivating instructors, it’s still your call for discipline. Sometimes review sessions can get really boring. Once there was this lecturer, a lady in her late sixties I think, started the review with no introduction, no power point presentation whatsoever. She was talking straight for about an hour or two. It was a really dull, that almost half of our batch walked out, even my classmates and I decided to skip the review for Enchanted Kingdom! Thank God we still passed though.
So what would be the best thing to do for the last few days before the test? Here’s a list I made up based of course on experience; think of these as a gentle reminder in preparation for one of the most important exam in your life:
1. Practice answering. Even the stroke of your pencils can screw up your chances of passing. So create a pattern of shading on your answer sheet and make sure it’s not too light or heavy for the machine to read.
2. Trust your instinct. This may sound ridiculous, but usually the first thing on your mind (without thinking too long) is actually right. Use this when you really, really have no idea what the answer is.
3. Letter C. Yup that’s what instructors told us, well actually majority of exams put their answers there.
4. Breathe. If you find yourself stressed over concepts you’ve been scanning for hours, put them down and relax a little.
5. Make sure your notice of admission slip is ready otherwise you won’t be able to take the exam.
6. Know your testing site ahead of time. Look it up over PRC site (www.prc.gov.ph)or go straight to their office, the names are posted outside. Familiarize yourself with the exact location, route and travel time from home.
7. Pray. No matter how you feel, take time for some silence and focus on your plea.
8. Don’t stop believing. If you have to belt out the tune ala Glee to, then do it. Kidding aside, fight off those negative vibes by trusting yourself. After all, you’ve had four years in the academe to get ready.

Keep in mind one ultimate goal in taking the NLE: get a license to serve the health industry, be it local or abroad. Good luck on your endeavors, and go and ace for the two Initials!