Thursday, November 3, 2011

Family Matters

Hindi ko talaga alam kung bakit may mga taong sadyang ubod ng kapal ng mukha. Yung tipong hangga't walang tumututol eh sige lang ng pananamantala. Wapakels sa ibang tao, hangga't di siya nagsasalita eh okay lang. Lalo na sa mga issue na maselan. Tulad neto.

So one boring day nag bonding-bonding kami ni dear cuz (DC). Tapos habang nagpapahinga sa aming bahay, marami kaming napag usapan. Hanggang sa napunta kami sa mga half siblings. madalas na kasi namamalagi ang erpats ni DC sa kanilang palasyo lately. Kasama si baby girl(BG). At doon na nga nagsimulang mabunyag ang lahat. Na unti- unti na silang nag mi-migrate sa palasyo nila DC. Nagulat lang siya, dahil yung half-sibling nyang si Middle Child (MC) eh nagtransfer na sa iang school malapit sa kanila. At narinig nya nga ang usapan between erpat and the other woman (OW). Isa sa mga narinig nya eh sinabi ni OW na mag-decorate daw at gusto din daw niya eh kumpleto sila sa pasko. Ay wow! BAHAY MO ATE?! Hindi na rin napigilan ni DC na maiyak kaya inaya ko na rin mag maboteng usapan.

Sa madaling salita, after a few years ng pananahimik ng mga pinsan ko sa bahay
, eh biglang nag-mainstay ang erpats nila-with her second siblings. KALOKA!


So napag planuhan na namin na sabihin muna sa isa pa naming pinsan. Kasi warfreak ang amin mga tiyahin pati si mothergoose.

Nakakairita talaga. Kung ako yung nasa lugar ni DC hindi ko yata maatim na manahimik habang nakikita ko unti unti na silang andun sa palasyo. In the first place may bahay naman sila bakit hindi sila pumirmi dun!kung malayo eh di magtiis kayo!Kung pwede ko lang i-wish na multuhin kayo...pero ayoko naman mandamay ng mga nanahimik na kaluluwa. wish ko lang eh tubuan ng konsensiya at hiya.

Tanggap na naman ng angkan namin na may mga anak at ibang pamilya na si erpats ni DC . swerte nga ng kabit pangalawang asawa at di na kailangan ng annulment. Pero pucha naman, para bigla siyang mamalagi sa bahay ng mga halos inabandona niyang mga anak-kasama pa yung mga half-siblings nila.... KONTING RESPETO naman sa dating maybahay. Kung hindi niya talaga siya minahal noon, sana kahit respeto lang bigyan niya. Wag niyang hintaying karma pa ang magturo sa kanya kung paano gawin iyon.

.
.
.
.
.
.
.
Diba NF?