Monday, February 13, 2012

Original na biritera.

Kaninang hapon, habang pupungas-pungas pa ako ay nagbabasa ako ng mga posts sa FB. At medyo nagulat nga ako na mabalitaan nang patay na si Whitney Houston. Whitney.Houston.Sikat na singer mula 80s-90s.


FYI, hindi niya ako fan, pero alam nating lahat na malaki ng iniambag niya sa larangan ng musika. Iniidolo siya ng mga singer na pilit pinapantayan ang level ng pag-kanta niya. Siya rin ang dahilan kung bakit naririnig mong bumubulahaw ang boses ng kapitbahay nyo sa saliw ng kanyang awitin-kahit na alas-dos na ng madaling araw.

Aminin mo, minsan mo na rin sinubukan sa videoke ang mga kanta nyang hanep sa taas ng tono. Nasa sayo na kung pati ang pag piyok mo eh aaminin mo rin.

Sayang, Ang bata pa niya, kaso nag-adik. Tsk.

Makapag videoke nga sa Valentine's day.