Wednesday, November 21, 2012

What a day

Dahil namantal ng husto ang tatay ko, minabuti na namin na pumunta sa ospital para mapatignan at mabigyan ng gamot. So straight from work, nagdrive ulit papunta sa malapit na ospital. Tinignan ang tatay ko ng mga nurse at doctor. As usual, tinanong kung anong huling kinain, ginamit sa katawan, etc. Ang solusyon: Diphenhydramine IM stat. Side effect ang pagka antok so kailangan muna matulog. Overnight accomodation ang peg namin sa ER. Makalipas ang ilang oras, umaga na. Gising na tatay ko, kaya umuwi na kami. Ni hindi na tinignan ng mga tao dun kung nagsubside yung rashes. Oh well. So umuwi na kami, at di na nakapasok sa work pare-pareho. Pinagpahinga muna tatay ko. Halos walang nabago sa pantal nya. Pero may prescribed meds naman so sige idaan muna sa inom tutal naman naturukan na. Sana within this week mawala na yung allergy. Hindi pa rin namin malaman kung saan na-trigger yung allergy. Number one suspect namin ay yung buy-one-take-one na body wash na binili ko. Ganun din kasi nangyari sakin last month. Pero mas matindi yung sa tatay ko.