Sunday, January 27, 2013

YOLO

You Only Live Once. Yan daw ang banat ng mga kabataan ngayon at excuse nila kaya nagpapakasasa sila sa pag-party, o kung ano mang bagay na nakaka-peer pressure. Pero this time, ginamit siya sa run na sponsored ng SMART. Muntik pang hindi matuloy dahil inaapoy ako ng lagnat the day before. Mabuti nalang at pag-gising ko kinabukas eh bumuti ang pakiramdam ko, kaya gorabels na. I just brought my own first aid kit just in case. Mabuti nalang din at hindi timed ang race kaya kahit lakarin mo yung buong 5km na parang nasa Luneta Park ka, ayos lang. 3pm. Call time. Napagusapan namin na agahan para hindi haggardo versoza. First time ng pinsan kong pupunta ng Nuvali. Ako naman, first time pupunta ng commute. wala kasi carunabels ang Donya kaya no choice. cutting trip from Alabang-Sta.Rosa Exit-Nuvali. Van,Jeep at Tryc. Not bad. Anyway, Nakarating naman din sa paroroonan. Umaambon. Tinamaan ng magaling. Mabibinat ako neto for sure. Thank goodness at hindi tumuloy ang ulan. pila sa registration para kunin ang racekit. Ang haba lang ng pila except sa large. Buti mabilis ang usad. Kaya may oras pa pumetiks. starting line. By wave ang takbo. shades on. Every kilometer has a specific color station. In chronological order: green, orange,pink, yellow, and blue. So our shirts are a blank canvas, and it's up to us how colorful we wanted to be. Pero sa kaso ko, nagmuka akong cheese curls. sabi naman ng friend ko, carrot daw.

Wrap-up January

First month of 2013 is almost over. Pero ang weather, parang December lang. Brrr... sarap. Pero pag oras na ng liguan daig ko pa ang hydrophobic. Pero okay na yan, kung pwede nga lang ganyan lagi ang weather eh. So, anyare na nga ba? dahil malamig, asahan mo nang trending din flu. At ang tonsilitis na lagi na lang since birth. Pero okay lang, kasi hindi natatapat na may fun run. Kaso yun ata ang dahilan kaya nabinat ako. Oh well, Buhay nightlife? Ayos lang, minsan antok pero pagdating ng bahay tulog agad para may pahinga na maayos. Plano? wala pang final sa ngayon, pero maraming balak. Sana lang di mauwi sa fine arts.

Wednesday, January 9, 2013

Happiness

6:30 pm. Nag-iinat ng konti para mag-handa sa night life este night shift. Yung mga ganitong masarap ang simoy ng hangin, eh mga panahon din na hydrophobic ako. So pahirapan maligo. Kaya init tubig muna da hil wala pa kaming heater. Saka na pag nakabili ng condo. Chos! Minsan talaga gusto ko batukan yung sarili ko. Feeling blue nanaman ako at kung anu-ano naiisip. "Hello ate, ayan na nga hinihingi mo diba? ano pa hahanapin mo?" Hay. May inggit factor lang siguro na nararamdaman ng onti. Pero ayos lang. Marami pa rin akong dapat ipagpasalamat lalo na netong huling holidays. Mahaba pa ang tatahakin ko. Marami pa kong kailangan banatin na buto sa katawan. Pero sisiguraduhin ko na makakahanap pa rin ako ng dahilan para maging masaya sa katayuan ko ngayon. Marami akong pananaw sa buhay na nabuo at lumabo. Pero ayos lang, panapanahon lang talaga. Sana naman may maabutan akong Calamansi Green Tea sa Serenitea mamaya.

Monday, January 7, 2013

year of the what??

Singhot singhot. Pero wala akong maamoy. Wala rin akong panlasa. Well Hello trangkaso, tapos na putukan para sa bagong taon, pero ang ubo ko ay pumuputok ng plema. At dahil CBR ako magdamag, maaga akong nagising at medyo masakit na ulo sa haba ng tulog. Kaya eto, may nababasa ka ngayon, usi. :) 2013. 13. Ayokong tumulad sa kaisipan ng karamihan na dahil 2013 eh malas. Oo, may mga bagay na nangyayari na hindi sakop ng kakayahan natin, pero tingin ko eh hindi naman yata lahat eh may kinalaman sa number 13. sa bawat taon na lumilipas, may mga di maganda ding nangyayari. Kaya sa tingin ko, nasa sa tao na rin kung swerte o malas siya. Mas magandang pairalin sa utak na "ngayong 2013, gaganda ang takbo ng buhay ko." Kaya kahit punuin mo pa ang bahay ng maraming good luck charm, kung ikaw mismo, walang bilib sa sarili mo, baka nga malasin ka din :p