Thursday, March 28, 2013

Holy (?) Week

Huwebes santo. Feeling ko walang pasok. Ewan ko ba, last year naman may pasok ako noon, di ko alam kung bakit nagfe-feeling ako ngayon. Siguro eh naghahanap lang ng mahabang pahinga dahil sa stress. Kung Paninilay nilay din lang, marami akong dapat pagnilayan. Ano na nga ba nangyari sakin? ano na nangyari sa mga gusto kong gawin? hanggang pangarap na lamang ba? At bakit hindi ko magawang maging totoo sa aking sarili? Chos! Ang drama lang. Pero ayos na rin kahit may pasok. HINDI TRAFFIC. Whew! Pero ang tanong, may masakyan kaya ako? Bahala na. Pero na mi-miss ko din yung pag observe ng semana santa. Yung tipong sa bahay lang, nood ng Holy week special sa TV o kaya manahimik lang sa kwarto. Hay...

Monday, March 18, 2013

Holy Hour

Ang oras na alanganin. Yung tipong kahit anong ganda ng buhay, pag naabutan kang gising ng ganitong oras, biglang magiging Biyernes Santo ang mood mo. Kung anu-anong kapraningan ang papasok sa kukote mo hanggang sa mabaliw ka...kulang nalang maglaslas ka tapos patakan mo ng dayap. Awooooo! Eto yung mga panahong nagninilay nilay ka kung ano na ba narating mo at nagawa sa mundo. At ano ba talagang landas ang tatahakin. Hay. Iisipin ko nalang na maswerte pa din ako.